Lunes, Enero 2, 2017

BOHOL TREATS

Kaugnay na larawan

BOHOL
    Bukod sa tanyag na dolphin watching o ang mga diving spots at mga magagandang tanawin, ang Bohol ay mas kilala pa sa kanyang maligayang kapistahan at masiglang paglikha.At isa pang maipagmamalaki dito ay ang mga likas na nakatatakam na pagkain na kilala na sa buong mudo bilang "Boholano Delicacies".Tulad ng laging alam natin, komplemyento sa mga pagkain sa bawat pagsasalo-salo. kaya tuwing bakasyon, angkop ang sapat na budget para dito. Sa iyong pagbisita sa Bohol, huwag kalimutang tikman ang ilan sa mga katakam-takam na pagkain. At magdala ng ilan bilang “pasalubong” para sa iyong minamahal na hindi kasing swerte mo na nakagla n sa lugar na ito para kahit papaano ay matitkman nila ang sarap ng lasang Bohol. 
    Halina't tayo'y mag food-trip at  kilalanin ang Delicacies ng Bohol!

PEANUT KISSES
Peanut Kisses   Ito'y isang Boholano signature dish at ito'y  matitikman at makikita lang sa Bohol. Ito'y miniature cookies ng tanyag na Chocolate Hills o Hershey Kisses. Ito'y gawa sa mataas na kalidad ng mani at itlog, inihurnong presko para magdala ng nutty sa bawat kagat. Bawat department stores at souvenir shops ay may display nito. 

CALAMAY
Resulta ng larawan para sa kalamay   Ito'y isa sa mga must-try treats kung bibisita sa Bohol. Bagaman, kilala na ito sa buong bansa (may iba pang mga pangalan), walang makakatalo sa Calamay ng Jagna, na nakalagay sa bao ng niyog at may selyong pulang papel de hapon. Ito'y gawa sa samut-saring bigas na malagkit, asukal, at mani.

BROA (LADY FINGERS)  
Kaugnay na larawan




Isang native cookie ng Baclayon. Ito'y may malambot na tekstura at sa bawat kagat ay madaling matunaw sa bibig. Ito'y magaan at presko, perpekto para mga meryenda na may gatas, kape at mainit na tsokolate. Ito rin ay inererekomenda sa paggawa ng Mango Refrigerator Cake. 

BIBINGKA 
 Resulta ng larawan para sa bohol bibingka Ito'y may maraming bersiyon sa iba't-ibang parte ng bansa. Ito ay binubuo ng harinang bigas, asukal, mantikilya, at gata ng niyog na ibinabalot sa dahon ng saging. Ito'y inihain bilang "painit" tuwing umaga. Pinaparesan ito ng mainit na kape o tsokolate o pwede ring meryenda sa hapon na pinaparesan ng malamig na softdrinks.

MARUYA
Resulta ng larawan para sa maruya Ito'y isa sa mga paborito, hindi lamang sa mga bata kundi pati na rin sa mga matatanda. Ito'y gawa sa Saba na saging inilublob sa malagkit na timpla, ipinrito at inilulon sa puting asukal, ito'y magandang imeryenda araw-araw dahil bukod sa masarap na, masustansya pa.

BIKO
Resulta ng larawan para sa biko Isang sikat na Filipino Recipe at makikita halos sa bawat pagdiriwang ng mga Pilipino. Ito'y gawa sa bigas malagkit, gata ng niyog, at asukal (latik).

TORTA 
Kaugnay na larawan Meryenda time is Torta time! Sa Bohol matitikman mo ang isa sa mga best tasting tortas sa buong bansa. Ito'y malambot, mahimulmol, malagihay at madaling kainin.

KUTCHINTA
Resulta ng larawan para sa kutchinta ng bohol  Ang kutchinta kay karaniwang gawa sa harinang bigas, all-purpose flour, asukal na pula, pampalagkit. Masarap itong haluan ng niyog at magandang i-meryenda